Latest Tweets

Mikee Romero – Department of Sports

Mikee Romero – Department of Sports
Mikee Romero – Department of Sports? Baka Department of Stolen Money.
Hindi pa kuntento si Mikee Romero sa kaniyang pagnanakaw sa kanyang mga magulang. Aba! Gusto pa gumawa ng departamento sa gobyerno para makapangnakaw pa.

Malaki na siguro ang inilulugi niya sa kaniyang mga pampasikat na polo sports, equestrian at may PBA team pa na talunan naman.

Pagkatapos niyang angkinin ang pera ng tatay niya, gusto pa niya ng mas malaking gatasan.

Pinalalabas niya na mahina daw ang sports sa bansa kaya kailangan itong palakasin sa paggawa ng Department of Sports. Ayaw niya lang ang proseso ng botohan ng kasalukuyang sistema dahil wala siyang galamay bilang kongresista.

Wala naman siyang sinasabing magandang rason para gawin ang Department of Sports. Wala nga siyang alam tungkol sa management dahIl palugi siyang nagmanage ng Harbor Center Port Terminal Inc.

Sa pagnanakaw siguro meron pero ang gawan ng rationale na pagkakaroon ng department ay hindi nakakakumbinse, sobrang sabaw.

Meron tayong POC at PSC na namamahala sa sports kaya medyo redundant na magkaroon ng department of sports. Kung gusto niya talaga ng pagbabago, ipasuri niya munang mabuti sa kongreso kung ano talaga ang problema sa bansa.

Gusto niya sigurong pondohan ang mga gusto niyang sports na siya rin ang makikinabang. Ibig sabihin ay gagawin nga niyang gatasan ang gobyerno gaya ng ginagawa niya sa kaniyang pamilya.

Mikee Romero Business Genius

Mikee Romero Business Genius
Mikee Romero, a business genius? More like a theif genius.
Paano natin masasabi na isang tao ay isang business genius?

May isang tao ang nagsasabi na political genius siya. Ito ay walang iba kung hindi si Mikee Romero.

Ang tanong, paano naman siya naging business genius?

Ang sabi niya siya daw ang nagmanage ng kanilang mga negosyo. Masasabi na bang business genius yun?

Maaring oo kung siya nga nagpalago ng kumpanya gaya ng Manila North Harbor kung ito ay nagsimula sa walang wala.

Ngunit ang kanilang mga negosyo ay halos nagmomonopolya sa Manila sa Port Area. Ibig sabihin ay walang kalaban sa negosyo ang kaniya tatay na si Reghis Romero.

Usisahin naman natin ang mga negosyo malayo sa established na negosyo nila. Tignan natin ang mga restaurants na itinayo ng kaniyang asawa.

Nagtayo ng dalawang restaurant ang kaniyang asawa na si Sheila Romero pero ang mga ito ay pawang nalugi.

Hindi ba sila magaling magnegosyo? Paano ang naging papel ni Mikee Romero dito?

Kung business genius ka, dapat ang mga negosyong itinayo din ng asawa mo ay lumago o kahit man lang di nalugi.

Kawawang Reghis Romero, nagamit na ang pera, nawala pa dahil sa pagkalugi. Nasayang ang pagod, luha at pagsisikap mo Reghis dahil sa anak mong si Mikee.

Mula marketing hanggang sales ay palpak ang mag-asawang Mikee at Sheila Romero.

Magaling lang sila sa publicity na nagpapaganda ng kanilang sariling imahe pero hindi sila magaling na negosyante.

Palugi sila kung magnegosyo. Masyadong narcissistic ang approach nila sa negosyo. Importante lang ang kanilang imahe.

Mikee Romero at Sheila Romero, Samahang Walang Katulad


Mikee Romero at Sheila Romero, Samahang Walang Katulad
Mikee Romero at Sheila Romero, Samahang Walang Katulad. Magkasabwat sa Pagnanakaw
Minsan sa pag-ibig, may mga taong gagawin ang lahat para mapagbigyan ang asawa o kasintahan. May nangangakong ibibigay ang buwan at bituin sa kanyang mahal. Pero iba ang pangako na ibinigay ni Mikee kay Sheila.

Ang istorya nila ay hindi gaya ng gusto nating makita sa telenovela o koreanovela sa GMA 7 o kaya ABSCBN. Kakaiba ang kuwentong pag-ibig ni Mikee Romero at Shiela Bermudez Romero.

Si Mikee Romero ay isang anak mayaman. Nasa kanya na ang lahat nung siya ay pinanganak, nagkaisip hanggang sa makatapos sa kolehiyo.

Si Sheila Bermudez-Romero naman ay maaring lumaki sa yaman pero naghirap sila gawa ng kaniyang magulang ay naglustay ng maraming pera at walang naipon nung natanggal na ang mga Marcos sa posisyon.

Ang magulang ni Sheila Bermudez-Romero ay crony ng mga Marcos nung panahon ng martial law.

Sa isang pagkakataon, si Mikee Romero at si Sheila Bermudez-Romero ay nagkatagpo at naging magkasintahan.

Tumagal ang panahon, si Mikee Romero na ang nagbabayad ng renta ng bahay na inuupahan ng mga Bermudez.

Tama ka sa nabasa mo. Si Mikee Romero ang nagsu-sustento kay Sheila, apartment nila, at buong pamilya.

Hindi lang yan, si Mikee Romero na rin ang bumili ng mansion ng mga Bermudez. Sinuportahan nito ang maluhong pamumuhay ni Sheila at magulang dahil namiss nila ang magarbong buhay.

San nanggaling ang pera ni Mikee Romero para suportahan ang mga ito?

Walang iba kung hindi sa pera ng kanyang ama.

Mula sa malaking allowance, si Mikee Romero ay unti-unting nagnanakaw at nagmamanipula ng mga trasaksyon ng kumpanyang tinayo ng kanyang ama. Sa paraan na gumamit pa siya ng mga inosenteng tao upang magawan ng paraan ang pagnanakaw.

Inangkin mga shares at pinamukha sa mga tao na sarili niyang pera at pagsusumikap ang kanyang mga kinita.
Iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig. Sa ngalan ng pag-ibig. Pag-ibig sa pera.