![]() |
Mikee Romero, nagtago sa batas dahil sa kasong qualified theft. |
Masuwerte si Reghis Romero dahil nabawi niya ang kaniyang kumpanya mula sa kanyang mabuting anak na si Mikee Romero mula sa illegal na pag-aangkin ng kumpanya.
Hindi nga lang niya mababawi ang bilyones na patagong ninakaw ng kanyang anak sa iba’t ibang paraan.
Pero bakit ngayon nagtatago si Mikee Romero sa batas?
Dahil sinampahan siya ng kaso ng pagnanakaw ng P3.4 milyones mula sa kumpanya ng kanyang ama. Isa lamang ito sa mga sandamakmak na kaso na sinampa nito sa anak.
Nakita ng Manila RTC branch 28 na may sapat na ebidensya ito para arestuhin.
Ngayon, ilang buwan ng nagtatago sa batas ang mabuting congressman ng 1Pacman Partylist.
Hindi daw alam ng mga staff niya sa kongreso kung san siya nagtatago. Hindi daw!
Gayumpaman, ang pagtatago ni Mikee Romero sa batas ay may malaking kahulugan at ito ay guilty siya.
Kung hindi guilty ang representante ng 1Pacman partylist, dapat matapang niyang hinaharap ang mga kasong qualified theft na sinampa sa kanya. Dapat hindi pinagtataguan ang batas ng isang mambabatas.